REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Search

Author: superuser

REGULAR SESSION XII – 118

Ika-7 ng Marso, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing walong sesyon sa gusaling pampamahalaan.
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Environmental Protection, Ecological Preservation & Sanitation, Laws, Health, Transportation, Cooperatives, NGO’s & PO’s, at Barangay Affairs.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 117

Ika-29 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing pitong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay ang mga serye ng resolusyong inihain ni Councilor Numero “Uno” Lim kabilang ang pagsuporta sa restorasyon ng 3 year prescriptive period ng Employees Compensation Claims, paghikayat sa umuusbong na AI-Driven Child Exploitation at pagtitiyak ng mas ligtas na paggamit ng internet, direktibang pag-ayon sa nararapat na komite ukol sa pagbebenta ng Assam Black Tea na naglalaman ng Tetrahyrdocannabinol o THC, at pagpapalakas ng implementasyon sa Anti-Mendicancy Law at pagsuporta sa Oplan Pag-abot Program.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 116

Ika-29 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing anim na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inaprubahan ang Resolution No. 04 series of 2023 ng Manila Peace and Order Council. Kasunod ay ang serye ng mga resolusyon ukol sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) para sa implementasyon ng medical assistance sa mga indigent at financially incapacitated patients sa iba’t ibang ospital kasama ang Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc, at Sta. Ana Hospital.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 115

Ika-27 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing limang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inakdahan ni Councilor Numero “Uno” Lim ang mga serye ng resolusyon ukol sa pagkilala sa Division of City Schools Manila para sa nakamit na academic achievement sa nakaraang National Achievement Test para sa Grade 12 students at paghihikayat na mag-ingat sa mga piling accredited Department of Migrant Workers employment agencies sa Lungsod ng Maynila.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 114

Ika-22 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing apat na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan dumalo at ating inunlakan ang mga panauhin o delegado ng Honululu, Hawaii na pinapangunahan ni Honululu Chairman Council Member and Head of Delegation Hon. Tommy Waters, District II Councilor Matt Weyer, District VI Councilor Tyler Dos Santos-Tam, District VII Councilor Radiant Cordero, at District VIII Councilor Val Okimoto. Naghandog ng munting mensahe ang mga delegado na naghahatid ng pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanila ng ating minamahal na Lungsod ng Maynila. Welcome po kayo sa Maynila!

Read More »

REGULAR SESSION XII – 113

Ika-20 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing tatlong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan dumalo at nagbigay ng privelege speech si Manila Police District Director PBGen Arnold Thomas Ibay. Naghayag ng pasasalamat sa buong Sangguniang Panlungsod. Ayon kay PBGen Ibay, “We live and breathe our motto: To Serve and Protect”.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 112

Ika-15 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing limang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inaprubahan ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at La Consolacion College Manila para sa pagsasanay ng kanilang nursing students sa Ospital ng Sampaloc Medical Center. Pagpapatibay naman ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Lungsod ng Makati para kay Engr. Amorlida B. Cariño.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 111

Ika-13 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing isang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan dumalo at nanuod ng ating sesyon ang ilang mga panauhin na galing sa bansang France. Naghayag ng pagbati ang buong konseho at nagpakuha ng larawan sa ating magigiting na konsehal. Matapos nito, nagbigay ng munting presentasyon si Chief of Dental Section Dra. Joan Carbonel tungkol sa mga programang isasagawa ng Manila Health Department ngayong buwan ng Pebrero na nagdidiwang ng National Oral Health Month.

Read More »

FILTER RESULTS