GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 112

Facebook
Twitter
Email
Ika-15 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing limang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inaprubahan ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at La Consolacion College Manila para sa pagsasanay ng kanilang nursing students sa Ospital ng Sampaloc Medical Center. Pagpapatibay naman ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Lungsod ng Makati para kay Engr. Amorlida B. Cariño.

Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Cooperatives, NGO’s & PO’s at Barangay Affairs.

Inakdahan ni Councilor Numero “Uno” Lim ang mga serye ng resolusyon ukol sa pagpapalakas ng kamalayan at pagbabantay sa mga hindi awtorisadong Civil Service Examination review materials at centers sa lungsod ng Maynila, pagsuporta sa abolisyon ng purchase slip booklets sa mga senior citizens upang i-angkop ang digitalized system para sa kanila, pagtatag ng framework para sa rekognisyon, konserbasyon, at promosyon ng historical at cultural sites of significance sa lungsod ng Maynila, at pagpapalakas ng kamalayan ukol sa cybersecurity awareness at paglaban sa cyber identity theft sa lungsod ng Maynila. Panghuli, ipinagtibay ang Sister City Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Honolulu, Hawaii.

Dumako sa Ikalawang Pagbasa ang sesyon kung saan iniangkop ang committee report ng Committee on Engineering and Public Works para sa sewer line replacement na gagawin sa Mendiola, Nepumuceno at Zamora. Excavation permit naman para sa R2 Builders na magsasagawa ng paghuhukay sa lugar ng Vitas Tondo, Manila. Inakdahan nito ni Councilor Terrence Alibarbar.

Inihain naman on the floor ang ilang mga draft resolutions ukol sa pag-adapat ng Zoning Board of Zoning Appeals ang Zoning Resolution No. 3 at 4 series of 2024. Memorandum of Understanding sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Department of Human Settlement and Urban Development para sa probisyon ng technical assistance para sa zoning ordinance sa lungsod ng Maynila. Panghuli, Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Ignacio Villamor Senior High School para sa isang Work Immersion Partnership na mag-uunlak na kanilang on-the-job training students. Ang mga resolusyong ito ay inakdahan ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip Jr.

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135