GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 114

Facebook
Twitter
Email
Ika-22 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing apat na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan dumalo at ating inunlakan ang mga panauhin o delegado ng Honululu, Hawaii na pinapangunahan ni Honululu Chairman Council Member and Head of Delegation Hon. Tommy Waters, District II Councilor Matt Weyer, District VI Councilor Tyler Dos Santos-Tam, District VII Councilor Radiant Cordero, at District VIII Councilor Val Okimoto. Naghandog ng munting mensahe ang mga delegado na naghahatid ng pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanila ng ating minamahal na Lungsod ng Maynila. Welcome po kayo sa Maynila!
 
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Laws, Cooperatives, NGO’s & PO’s, at Barangay Affairs.
Dumako ang sesyon sa Ikalawang Pagbasa ukol sa D.R. No. 7451 na nagpapaapruba ng akreditasyon ng Altura Extension Tricycle Operators and Drivers Association (ALEXTODA) bilang People’s Organization sa Lungsod ng Maynila.
 
Inakdahan ni Councilor Numero “Uno” Lim ang mga serye ng resolusyon ukol sa pagsuporta sa National Cybersecurity Movement Scam Watch Pilipinas para sa kampanya laban sa love scams, pagbigay puri sa Public Employment Service Office o PESO sa pangunguna ng Lungsod ng Maynila katuwang ang Shakey’s Pizza Asia Ventures Inc. at Jollibee Foods Corporation para sa paghahandog ng opurtunidad sa mga Manilenyong senior citizens at person with disabilities na magkapag hanapbuhay, at pagpuri sa Florentino Torres High School sa kanilang matagumpay na implementasyon ng Career Guidance Orientation para sa kanilang 200 na senior high school students.
 
Pagbati sa dating Archbishop ng Maynila na si Cardinal Luis Antonio Tagle sa kaniyang natanggap na karangalan na Legion of Honor Award sa bansang France. Inakdahan ito ni Councilor Niño Dela Cruz. Idineklara sa State-of-Calamity ang Brgy. 52 Tondo, Manila dahil sa trahedyang naganap sa kanilang barangay dulot ng sunog. Ayon kay Councilor Erick Ian “Banzai” Nieva, 93 na pamilyang Manilenyo ang kasalukuyang nangangailangan ng tulong at sa pamamagitan nitong resoluyon, magagamit ang nakalaan na calamity fund upang sila’y makabangon muli.
 
Pagbibigay ng special use permit ng Petron Gas Station na matatagpuan sa Malate, Manila na inakdahan ni Councilor Macario “Macky” Lacson. Tinalakay at nagkaroon ng diskusyon ukol sa pagsuporta sa Iglesia Ni Kristo sa paninindigan nitong mabago o ma-amyendahan ang kasalukuyang 1987 Constitution sa pamamagitan ng “People’s Initiative”. Inakdahan ito ni Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr.
 
Panghuli, nag-akda ng isang draft ordinance si Councilor Johanna Maureen “Apple” Nieto-Rodriguez ukol sa exemption ng DR Productions sa pagbayad ng mayor’s permit at amusement tax para sa gaganaping charity event sa Manila Hotel na “Tribute to the Queen of Philippine Movie Industry” na nagbibigay pugay kay Ms. Gloria Romero. Ayon kay Councilor Nieto, ang kikitain sa dinner concert na ito ay mapupunta sa pipiliing charity ng batikan na artistang si Ms. Gloria Romero.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135