GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 111

Facebook
Twitter
Email
Ika-13 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing isang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan dumalo at nanuod ng ating sesyon ang ilang mga panauhin na galing sa bansang France. Naghayag ng pagbati ang buong konseho at nagpakuha ng larawan sa ating magigiting na konsehal. Matapos nito, nagbigay ng munting presentasyon si Chief of Dental Section Dra. Joan Carbonel tungkol sa mga programang isasagawa ng Manila Health Department ngayong buwan ng Pebrero na nagdidiwang ng National Oral Health Month.
 
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Laws, Cooperatives, NGO’s & PO’s, Transportation, Engineering & Public Works, at Barangay Affairs.
 
Binigyang pagbati si Clint Escamis, isang Manilenyo na Batang Malate na nakamit ang gantimpalang Most Valuable Player at Rookie of the Year sa larangan ng basektball ng National Collegiate Athletic Association o NCAA sa natapos nitong Season 99 na inakdahan ni Councilor Raymundo “Mon” Yupangco.
 
Dumako ang sesyon sa Ikalawang Pagbasa at in-angkop ang committee report ng Committee on Engineering and Public Works na nagbibigay ng issuance ng No Objection Certificate para sa implementasyon ng proposed Manila Skyway Stage 3 Sevilla ramps sa tulong ni Committee Chairman Councilor Terrence Alibarbar.
 
Tinalakay at inaprubahan sa Ikatlo at Panghuling Pagbasa ang D.O. No. 8435 na nagpapalawak ng prohibisyon sa mga law enforcement agencies tulad ng Philippine National Police o PNP na ipinagbabawal magsagawa ng inspeksyon ng locally issued permits sa mga business establishments sa lungsod ng Maynila. Inakadahan ito Councilor Roberto “Bobby” Espiritu II.
 
Idineklara sa State of Calamity ang Brgy. 310 Sta. Cruz, Manila dahil sa trahedyang naganap sa kanilang barangay dulot ng sunog. Ayon kay Councilor Timothy Oliver “Tol” Zarcal, 431 na pamilyang Manilenyo ang kasalukuyang nangangailangan ng tulong at sa pamamagitan nitong resoluyon, magagamit ang nakalaan na calamity fund upang sila’y makabangon muli.
 
Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Department of Labor and Employment o DOLE para sa programang Government Internship Program o GIP na magtatrabaho sa Lungsod ng Maynila na inakadahan ni Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr.
Panghuli, ipinagtitibay naman sa pamamagitan ng resolusyon ang pag-gamit ng parte ng lupa sa Brgy. 775 San Andres, Manila para sa kontruskyon ng kanilang barangay hall na popondohan ng PBA Partylist Congresswoman Migs Nograles sa tulong ni District 5 Congressman Irwin Tieng. Inakdahan ito ng mga konsehal sa Ikalimang Distrito.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135