Ika-20 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing tatlong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan dumalo at nagbigay ng privelege speech si Manila Police District Director PBGen Arnold Thomas Ibay. Naghayag ng pasasalamat sa buong Sangguniang Panlungsod. Ayon kay PBGen Ibay, “We live and breathe our motto: To Serve and Protect”.
Dumalo at nanuod ng sesyon ang Bise Alkalde ng Sapian, Capiz na si Vice Mayor Ralph Odrunina kasama ang kaniyang Sangguniang Bayan. Naghandog ng munting mensahe at ikinagagalak na makabalik sa loob ng session hall si Vice Mayor Odrunia. Welcome po kayong muli sa Maynila!
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Health, Education, Environmental Protection & Ecological Preservation & Sanitation, Transportation, Laws, Cooperatives, NGO’s & PO’s at Barangay Affairs.
Inakdahan ni Councilor Numero “Uno” Lim ang mga serye ng resolusyon ukol sa paghihimok sa lahat ng online selling media platforms na mag-imbestiga at tiyakin ang prtektsyon ng lahat ng mga mamimili ng “mystery boxes”, pagsuporta sa Senate Bill No. 2534 na magdadagdag ng P100 sa minimun wage sa lahat ng mga empleyado ng pribadong sektor sa buong bansa, pagpuri sa larangan ng sining sa pamamagitan ng solo exhibit ng ating butihing Vice Mayor Yul Servo Nieto na “Directions IV” na nagtatampok ng kaniyang mga bakal na obra, pagpuri rin sa pagbubukas ng UGBO 24/7 sa pangunguna ni Yorme Isko Moreno Domagoso na naganap sa BGC, Taguig, at panghuli, pagbigay parangal sa ating butihing Alkalde Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangalan bilang kinatawan ng Lungsod ng Maynila sa naganap na Harvard HPAir Conference.