GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 133

Facebook
Twitter
Email
Ika-14 ng Mayo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t tatlong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay sa hapag ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Adamson University kasama ang Manuel L. Quezon Senior High School para sa isang work immersion partnership. Pagpasok naman sa kontrata sa pagitan ng New C.C Barcelona Construction Corporation and Ground Up Construction and Development Corporation para sa konstruksyon ng Sacramento Library at Multi-Purpose Building. Inakdahan nito ni Councilor Ernesto “Jong” Isip Jr.
 
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Civil Service, Appointments & Reorganization, Barangay Affairs, Animal Welfare, Cooperatives, NGO’s & PO’s, at Environmental Protection, Ecological Preservation, & Sanitation.
 
Inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa ang akreditasyon ng Cristobal Tricycle Operators and Drivers Association Inc. bilang People’s Organization sa Lungsod ng Maynila na inakdahan ni Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr. Inaprubahan ang annual barangay budget ng ilang mga barangay sa District 5. 69 na mga Punong Barangay ang dumalo sa nasabing barangay budget hearing at pormal na nagpakuha ng litrato sa ating mga magigiting na konsehal.
 
Dumalo sa sesyon at naghatid ng munting mensahe si Councilor Julius Lim Duran ng munisipalidad ng Daraga, Albay. Idineklara bilang calamity area ang ilang bahagi ng Brgy. 724 Malate, Manila dahil sa sakunang natamo sa kanilang lugar. Ayon kay Councilor Jaybee Hizon, 70 na pamilyang Manilenyo ang malubhang naapektuhan nito at humiling sa konseho na maaprubahan ito. Inakdahan nito ng lahat ng mga konsehal ng Ikalimang Distrito.
 
Binigyang pagbati ang ilang mga Pilipinong atleta sa pamamagitan ng resolusyon. Pinangunahan ni Councilor Juliana Rae “Yanyan” Ibay ang pagbati kay Samantha Kyle Catantan na nagwagi sa Asia-Oceania Zonal Olympic Qualifiers sa larangan ng fencing kung saan pormal na kwalipikado sa gaganaping Olympics ngayong taon sa Paris, France. Pagbati rin kila Efren “Bata” Reyes na napabilang sa World Billiards Hall of Fame na naganap sa bansang China at Ernesto John “EJ” Obiena na napabilang sa 2023 The Outstanding Young Mens Award. Inakdahan nito ni Councilor Numero “Uno” Lim.
Panghuli, malugod na inamyendahan ni Councilor Joel “JTV” Villanueva ang pagkakaroon ng bagong komite na Committee on Animal Welfare.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135