Ika-27 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing limang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inakdahan ni Councilor Numero “Uno” Lim ang mga serye ng resolusyon ukol sa pagkilala sa Division of City Schools Manila para sa nakamit na academic achievement sa nakaraang National Achievement Test para sa Grade 12 students at paghihikayat na mag-ingat sa mga piling accredited Department of Migrant Workers employment agencies sa Lungsod ng Maynila.
Sa tulong ni Acting Majority Floor Leader Councilor Jaybee Hizon, sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Laws, Transportation, at Cooperatives, NGO’s & PO’s.
Naghain ng resoluyon si Councilor Rodolfo “Ninong” Lacsamana ukol sa Sister City Agreement sa pagitan ng munisipalidad ng Lavezares, probinsya ng Northern Samar at Lungsod ng Maynila.
Tinalakay naman ang inihain na plano ni Councilor Juliana Rae “Yanyan” Ibay ukol sa Youth Development Plan para sa Lungsod ng Maynila. Binigyan pagpuri ang mga kasamahan nitong konsehal at tinampok ang kahalagahan at importansya ng mga kabataan sa ating minamahal na lungsod.
Nagkaroon ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila para sa work immersion sa iba’t ibang mga paaralan kabilang ang Pamantasang Lungsod ng Maynila, Timoteo Paez Integrated School, St. Matthew of Blumentritt Institute of Technology, Elpidio Quirino Senior High School, Philippine College of Advanced Arts and Technology, Pres. Sergio Osmeña High School, Ramon Avanceña High School, Antonio Maceda Integrated School, at Pres. Corazon Aquino High School.
Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at University of Santo Tomas para sa pagsasanay ng kanilang mga obstetrics at gynecology students sa Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Idineklara sa State-of-Calamity Area ang Brgy. 256 Tondo at Brgy. 589 Pandacan, Manila dahil sa trahedyang naganap sa kanilang barangay dulot ng sunog na inakdahan ng mga konsehal sa Ikalawang Distrito at Ika-anim na Distrito. Pinagusapan ang pag-gamit ng PAGCOR Trust Fund para sa basic services ng 896 na barangay sa lungsod ng Maynila.
Naghayag ng suporta si Councilor Salvador Philip Lacuna sa Republic Act No. 11982 o Centenarian Act na ganap na pinirmahan ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na maghahandog ng regalo para sa ating mga Lolo at Lola na makakatanggap na ng additional cash gift sa kanilang pagtungtong sa edad na 80, 85, 90 at 95. Resolusyong direktibang nagu-udyok sa Manila Barangay Bureau at Department of Public Service sa lahat ng barangay ng Maynila na sundin ang mga polisiyang Clean Up Drive sa kanilang nasasakupan. Inakdahan nito ni Councilor Luciano “Lou” Veloso.
Panghuli, nag-akda ng isang draft ordinance ukol sa exemption sa pagbayad ng mayor’s permit at amusement tax para sa naganap na concert event sa Kartilya ng Katipunan na “Anniversary Concert sa Maynila” noong ika-23 ng Pebrero, 2024.