REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

Search

Author: superuser

REGULAR SESSION XII – 125

Ika-16 ng Abril, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t limang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay sa Unang Pagbasa ang serye ng mga resolusyon inihain ni Councilor Numero “Uno” Lim ukol sa isyu ng mga unauthorized o “colorum” na mga ambulansya, pagpuri sa Department of Public Services-Manila at Parks Development Office sa rekognisyon at pagkilala ng Department of Environment and Natural Resources o DENR, at pagpuri sa Philippine Health Insurance Corporation para sa pagtaas ng Z-Benefit package para sa mga Breast Cancer patients.

Read More »

Edd Reyes | Journal News

PINANGUNAHAN ni Vice Mayor Yul Servo Nieto, presiding officer ng Sangguniang Panlungsod ang pagpapasa ng resolusyon na kumikilala sa World Hemophilia Day ngayong Miyerkules, Abril 17, na sinusunod sa buong mundo mula pa noong 1989.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 124

Ika-11 ng Abril, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t apat na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay sa Unang Pagbasa ang mga draft resolutions na inihain ni Councilor Numero “Uno” Lim ukol sa pagpapaalala sa publiko sa mga pekeng social media pages ng mga Local Government Officials sa lungsod ng Maynila at pagsubaybay sa regulasyon ng mga tindahang nagbebenta ng police uniforms at insignia.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 123

Ika-26 ng Marso, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t tatlong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay sa Unang Pagbasa ang D.R No. 8182 at D.R. No. 8183 na nagdedeklara sa ilang bahagi ng Brgy. 105 at Brgy. 107 Tondo, Manila bilang Calamity Area dahil sa naganap na sunog sa kanilang nasasakupan. Inakdahan nito ng lahat ng Konsehal sa Ika-unang Distrito at pinangunahan ang pagbasa ni Councilor Erick Ian “Banzai” Nieva.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 122

Ika-21 ng Marso, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t dalawang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan naghain ng serye ng mga resolusyon si Councilor Numero “Uno” Lim ukol sa pagsuporta sa pananaliksik ng Department of Energy sa nuclear energy, pagpapasalamat sa Republic of Korea sa donasyong 750 metric tons na bigas, pagsasabatas ng Tatak Pinoy Act at Trabaho Para sa Bayan Act, pagsuporta sa pagkakaroon ng Health Maintenance Organization o HMO sa mga kawani ng gobyerno, paghihimok sa isasagawang planong pangkalusugan sa banta ng El Niño, at pagsuporta sa Durvalumab para sa pagpapagamot sa sakit ng Biliary Tract Cancer. Naghandog ng privilege speech si Councilor Joel “JTV” Villanueva ukol sa Animal Welfare Act na magsagawa ng mga legal o legislative measure para sa proteksyon ng ating mga alagang hayop.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 121

Ika-19 ng Marso, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t isang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at National University para sa pagsasanay ng kanilang nursing students sa Ospital ng Maynila Medical Center. Pag-arpuba sa Resolution No. 001 series of 2023 ng Local Health Board ukol sa Special Health Fund ng Lungsod ng Maynila.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 120

Ika-14 ng Marso, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampung sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan dumalo ang iba’t ibang Cooperatives, Non-Government Organizations, at People’s Organizations upang matanggap nila ng personal ang kanilang akreditasyon. Gayundin si Justice Jose Abad Santos General Hospital Dir. Dra. Merle Sacdalan para ianunsyo ang proyektong “Manila Hears, Mayora Listens” kung saan ang layuning mabigyan ng angkop na tulong medikal sa pandinig ang lahat ng Manilenyong nangangailangan nito.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 119

Ika-12 ng Marso, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing siyam na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan dumalo ang iba’t ibang Cooperatives, Non-Government Organizations, at People’s Organizations upang matanggap nila ng personal ang kanilang akreditasyon. Nagpakuha sila ng larawan sa ating magigiting na mga konsehal.

Read More »

FILTER RESULTS