GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 122

Facebook
Twitter
Email
Ika-21 ng Marso, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t dalawang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan naghain ng serye ng mga resolusyon si Councilor Numero “Uno” Lim ukol sa pagsuporta sa pananaliksik ng Department of Energy sa nuclear energy, pagpapasalamat sa Republic of Korea sa donasyong 750 metric tons na bigas, pagsasabatas ng Tatak Pinoy Act at Trabaho Para sa Bayan Act, pagsuporta sa pagkakaroon ng Health Maintenance Organization o HMO sa mga kawani ng gobyerno, paghihimok sa isasagawang planong pangkalusugan sa banta ng El Niño, at pagsuporta sa Durvalumab para sa pagpapagamot sa sakit ng Biliary Tract Cancer. Naghandog ng privilege speech si Councilor Joel “JTV” Villanueva ukol sa Animal Welfare Act na magsagawa ng mga legal o legislative measure para sa proteksyon ng ating mga alagang hayop.
 
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Cooperatives, NGO’s & PO’s, Consumer Affairs & Price Control, Ways & Means, Transportation, Laws, Tourism, Arts & Culture, Health, at Trade and Industry.
 
Hinihimok ni Councilor Rodolfo “Ninong” Lacsama ang Manila Police District sa mahigpit na implementasyon ng City Ordinance No. 7709 o ordinansang sapilitan ipaalam sa lahat ng tao sa ilalim ng custodial investigation ang kanilang karapatan o itinatawag na “Miranda Rights”. Hinihikayat din ni Councilor Lacsamana ang lahat ng barangayan na lumahok sa Walk for a Cause mula CCP Complex hanggang SM Mall of Asia kasabay sa pagdiriwang ng anibersaryo ng Buhay Ingatan Droga Ayawan o BIDA Program ika-23 ng Marso, 2024.
Memorandum of Agreement naman sa pagitan ng Lungsod ng Maynila, Claro M. Recto High School, Florentino Torres High School, at ABE International Business College para sa isang Work Immersion Partnership. Paggamit ng PAGCOR Trust Fund para sa Poverty Alleviation Program ng Lungsod ng Maynila, Pag-apruba ng Zoning Board Resolution No. 7 series of 2024 ng Manila Board of Zoning Appeals. Ang mga resolusyong ito ay inakdahan ni Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr.
 
Dumako sa Ikalawang Pagbasa ang sesyon kung saan naaprubahan ang D.O. No. 8449. Ang INTRA-TODA ay magkakaroon ng karagdagang loading at unloading areas sa kanilang nasasakupan. Aprubado narin ang Reformist Guardians International Inc. Alakdan (Manila Chapter) bilang Non-Government Organization sa Lungsod ng Maynila. Ang mga resolusyong ito ay inakdahan ni Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr.
 
Binigyang bati ang ating alkalde Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan, City Administrator Bernardito Ang, City Health Officer Dr. Arnold Poks Pangan, at iba pang mga organisasyon at ahensyang nagtulong-tulong upang itaguyod ang tulong medikal sa kalusugang pandinig. Inakdahan ito ni Councilor Pamela “Fa” Fugoso-Pascual.
 
Binigyang bati rin ang Department of Health, Manila Health Department, at iba pang mga organisasyon at ahensya sa kanilang nakamit na World Guiness Record na Largest Human Lung Formation na naganap sa Quirino, Grandstand. Inakdahan nito ni SK Federation President at Councilor Juliana Rae “Yanyan” Ibay na ikinagagalak ibalitang 20% sa mga lumahok ay mga SK officials.
 
Sa tulong ni Assistant Majority Floor Leader Councilor Joel “JTV” Villaneuva, inaprubahan ang mga serye ng resolusyong napapaloob sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office kung saan ininangkop ang 10 resolusyon ukol sa Incident Command System, pagpapalakas ng youth participation sa disaster risk and management initiatives, contingency plan sa lindol, civil society organizations, pagpapalakas ng Task Force El Niño, pre-emptive force evacuations, geographic information system at data sharing, paglikha ng Manila Disaster Emergency Operation Center, at pagsasagawa ng rapid damage assessment at needs analysis team. Inangkop din ang Resolution No. 1 ng Manila Peace and Order Council para sa Manila Peace and Order and Public Safety plan para sa CY 2024.
Pinapasalamatan naman nila Councilor Jesus “Taga” Fajardo Jr. at Councilor Martin “Marjun” Isidro Jr. ang mga business establishments sa lungsod ng Maynila na tumatanggap ng mga senior citizens at person with disabilites sa kanilang work force. Kaugnay dito, naghain ng resolusyon si Councilor Terrence Alibarbar na nagbibigay bati kay Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan at PESO Dir. Fernan Bermejo sa pakikipagtulungan sa J&F Food Corporation sa pagbubukas ng job employment opportunities sa ating mga lolo, lola’t PWD’s.
 
Hinihikayat ni Councilor Niño Dela Cruz ang lahat ng residente ng lungsod na tangkalikin ang “Aling Tindera Waste to Cash Program” na pinapangunahan ng Department of Public Service. Ang buong Sangguniang Panlungsod ng Maynila ay kaisa sa sagradong pagdiriwang ng Ramadan sa lahat ng ating mga kapatid na Muslim. Inakdahan nito ni Councilor Jaybee Hizon. Hinihikayat din ni Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing ang lahat ng barangay sa Lungsod ng Maynila na magkaroon ng urban gardening at vegetation activites sa kanilang lugar.
 
Kasabay sa pagdiriwang ng National Women’s Month, nag-akda ng resolusyon sila Councilor Science Reyes na nagbibigay pagkilala kay Dra. Fe Del Mundo, Councilor Charry Ortega na nagbibigay puri sa Gender and Development at Bureau of Permits sa naganap na EntrePinays, at Councilor Juliana Rae “Yanyan” Ibay na nagbibigay bati sa 3rd Manila Women’s Summit na naganap sa Rizal Open-air Auditorium noong ika-19 ng Marso, 2024.
Hinihikayakat ni Councilor Joel “JTV” Villanueva ang lahat ng 896 na Barangay sa Lungsod ng Maynila na makilahok sa Earth Hour 2024 na may temang “Switch Off for Plastic Pollution”. Panghuli, binigyang bati si Elvin Vitor sa kaniyang pagkakawagi ng Leonardo da Vinci International Art Prize. Isang Pilipinong pintor na taga Bohol ay nagwagi ng prestihiyosong gantimpala sa kaniyang likhang obra. Inakdahan nito ni Councilor Carlos “Caloy” Castañeda.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135