GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 119

Facebook
Twitter
Email
Ika-12 ng Marso, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing siyam na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan dumalo ang iba’t ibang Cooperatives, Non-Government Organizations, at People’s Organizations upang matanggap nila ng personal ang kanilang akreditasyon. Nagpakuha sila ng larawan sa ating magigiting na mga konsehal.

Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Housing, Land, Urban Planning Development & Resettlement, Laws, Cooperatives, NGO’s & PO’s, Barangay Affairs, Engineering & Public Works, at Education & Sports.

Tinalakay sa hapag ang mga resolusyong inihain ni Councilor Numero “Uno” Lim ukol sa pagsuporta sa tawag ng Kongreso para mabuting suriin ang pagtataas ng Philhealth benefits na sumasaklaw sa gastos sa mga pampribadong ospital wards at libreng examination sa mga nakakamatay na sakit. Binigyang bati rin niya si Bishop Pablo Virgilio David para sa pagkakatalaga bilang Vice President ng Federation of Asian Bishops’ Conferences. Pagsuporta sa Administrative Order na direktibang inihain sa Department of Trade and Industry at Department of Agriculture para ilapat ang senior citizens’ discount sa mga basic goods ng P65.00 to P125.00. Binigyang bati rin sa pamamagitan ng resolusyon ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. para sa ika-70 na anibersaryo ng kanilang pagkakatatag.

Terms of Partnership sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Department of Health-Metro Manila Center for Health and Development (DOH-MMCHD) para sa implementasyon ng annual operational plan para sa calendar year 2024. Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Jose Reyes Memorial Medical Center para sa renewal ng akreditasyon ng kanilang Mother Baby Friendly Facility. Exemption naman sa amusement tax ng Philippine Football Federation para sa Philippines versus Iraq match na gaganapin sa Rizal Memorial Stadium sa darating na ika-26 ng Marso, 2024.

Sa resolusyong inihain ni Councilor Louisito “Doc Louie” Chua, hinihikayat niya na maging Integration site ang Lungsod ng Maynila para sa implementasyon ng Universal Healthcare Act. Pinapaalalahan naman ni Councilor Terrence Alibar na panatilihing maayos ang takbo ng bawat sub meter upang maiwasan ang sakuna dulot ng sunog kasabay sa kampanya ngayong buwan na Fire Prevention Month.

Binigyang bati ang Iglesia Evangelica Metodista En Las Isla Filipinas o IEMELIF para sa ika-115 na taon anibersaryo ng kanilang pagkakatatag na inakadahan ng lahat ng konsehal sa Ika-unang Distrito. Pagbibigay bati muli sa Pamantasang Lungsod ng Maynila partikular sa College of Engineering ang Technology para sa kanilang nakamit na 96.23% passing rate na nakaraang Mechanical Engineering Licensure Examination noong buwan ng Pebrero 2024. Inakdahan nito ni Councilor Pamela “Fa” Fugoso-Pascual. Panghuli, pag-gamit ng PAGCOR Trust Fund para sa Poverty Alleviation Program sa Lungsdo ng Maynila na inakdahan ni Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr.

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135