GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 123

Facebook
Twitter
Email
Ika-26 ng Marso, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t tatlong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay sa Unang Pagbasa ang D.R No. 8182 at D.R. No. 8183 na nagdedeklara sa ilang bahagi ng Brgy. 105 at Brgy. 107 Tondo, Manila bilang Calamity Area dahil sa naganap na sunog sa kanilang nasasakupan. Inakdahan nito ng lahat ng Konsehal sa Ika-unang Distrito at pinangunahan ang pagbasa ni Councilor Erick Ian “Banzai” Nieva.
 
Pinagusapan ang pag-gamit ng PAGCOR Trust Fund para sa basic services ng 896 na barangay sa lungsod ng Maynila na inakdahan ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr. Pagbibigay puri sa ating buthing Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan at Department of Public Service o DPS sa matagumpay na pagdiriwang ng Earth Hour 2024 sa ating lungsod na naganap sa Kartilya ng Katipunan Ermita, Manila. Inakdahan nito ni Councilor Terrence Alibarbar.
 
Pagbibigay pagbati kay Efren Manalang “Bata” Reyes sa kaniyang pagkakasama sa World Billiards Hall of Fame na naganap sa Yushan, China noong ika-17 ng Marso, 2024. Pabati rin sa Manila Fire District sa pamumuno ni District Fire Marshal FSSUPT Christine Doctor-Cula na pinangunahan ang Unified Fire Olympics 2024 na naganap sa Quirino Grandstand noong ika-22 ng Marso, 2024. Inakdahan ang mga resolusyong ito ni Councilor Joel “JTV” Villanueva.
 
Binigyang bati rin ang Manila Chinatown Binondo Organization sa pamumuno ni Ch. Jeff Lau sa pangunguna ng 2nd Manila Chinatown Shake Drill na naganap sa Plaza San Lorenzo Ruiz Binondo, Manila na inakdahan ni Councilor Timothy Oliver “Tol” Zarcal. Binigyang bati ang Italian Ambassador to the Philippines Marco Clemente sa pag-abot ng kanilang mayaman na sining at kultura sa mga Batang Tondo. Inakdahan nito ni Councilor Niño Dela Cruz.
 
Panghuli, binigyang pagpupugay ang yumao at dating Bise Alkalde Danilo “Danny” Lacuna Sr. sa kaniyang naiwang legasiya at kontribusyon sa Lungsod ng Maynila kasabay ng pagdiriwang din ng kaniyang ika-86 na kaarawan noong ika-23 ng Marso, 2024. Ang resolusyong ito ay inakdahan ng ating Vice Mayor at Presiding Officer John Marvin “Yul Servo” Nieto.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135