Ika-30 ng Abril, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu't siyam na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inihayag at inakdahan ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto "Jong" Isip, Jr. ang serye ng mga resolusyon kabilang ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Pamantasang Lungsod ng Maynila para sa pagsasanay ng kanilang medical clerks sa Manila Health Department, pagpasok ng kontrata sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at JEMCO Builders and Supply para sa konstruksyon ng perimeter fence ng Veterinary Inspection Board, Memorandum of Agreement naman sa pagitan ng Metro Manila Center for Health Development-Philippine Blood Center para sa kanilang operasyon sa Sta. Ana Hospital, kahilingan ambulansya ng Gat Andres Bonifacio Medical Center sa Department of Health Regional Director Dr. Rio Magpantay, Deed of Donation & Acceptance para sa donasyong mobile laboratory handog ng Bloomberry Cultural Foundation Inc. at Bloomberry Resorts and Hotel Inc. sa ilalim ng programa ni Unang Ginang Marie Louise "Liza" A. Marcos, pagpapatibay ng iba't ibang kontrata ukol sa work/purchase orders at supply/service contracts na napapaloob noong buwan ng Oktubre hanggang Disyembre 2023 at Enero hanggang Marso 2024, pag-apruba ng Local Health Board Resolution No. 003 kaugnay sa Universal Healthcare Act, Memorandum of Agreement sa pagitan ng Zamboanga Del Norte National High School para sa kasunduang work immersion, at Internship Agreement naman sa 45 na benepisyaryo ng Government Interniship Program sa ating siyudad.