GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

Search

Category: City Council

REGULAR SESSION XII – 160

Naganap ang ika-160 regular sesyon ng Konseho ng Maynila kung saan kanilang tinalakay ang mga nakalista sa agenda ng araw na iyon. Inaprobahan din ang mga resolusyon ipinanukala tungkol sa calamity fund at budget ng iba’t ibang barangay ng lungsod. Binigyang pagkilala din ang Sangguniang Kabataan ng Barangay 777 Zone 85 na nagkamit ng “Gold Seal Award” sa Pambansang Sagisag ng Modelong Pagogobyerno

Read More »

REGULAR SESSION XII – 159

Naganap ang ika-159 regular sesyon ng Konseho ng Maynila kung saan kanilang tinalakay ang mga nakalista sa agenda ng araw na iyon. Inaprubahan din ang mga resolusyong ipinanukala tulad ng pagtatalaga kay Atty. Marisol DL. Anenias bilang isa sa mga Board of Regents ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila. Natalakay din mga resolusyon tungkol sa Green, Green, Green Programa ng MMDA at iba pang mahalagang paksa na may kinalaman sa pamumuhay ng mga Manilenyo

Read More »

REGULAR SESSION XII – 139

Ika-4 ng Hunyo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t siyam na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa ang loading and unloading area ng Rosarito, Palawan, Domingo, Santiago Tricycle Operators and Drivers Association (ROPADO TODA) na inakdahan ni Councilor Joel “JTV” Villanueva. Inihayag din ni Councilor Villanueva ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Salian Foundation Inc. para sa isang work immersion partnership. Sinundan nito ang serye ng mga resolusyon na nagpapatibay ng kontrata sa mga sumusunod: Double 12 Construction & Supply para sa pagpapatayo ng Manila San Francisco Friendship Library at warehouse building.; MRJR Construction & Trading para sa pagsasa-ayos ng Kamada building at E.Aglahi Urban Buidlers para sa pagsasa-ayos ng Luwalhati building ng Manila Boystown Complex; New CC Barcelona Construction Corporation para sa pagsasa-ayos ng sewerage treatment plant ng Tondominium 1 at 2; at JEMCO Builders & Supply para sa pagsasagawa ng perimeter fence ng Veterinary Inspection Board.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 137

Ika-28 ng Mayo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t pitong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) para sa implementasyon ng programang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP)na maghahandog ng P3,000 para sa mga eligible patients sa Ospital ng Maynila. Implementasyon muli ng programang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP)na maghahandog ng P2M para sa mga eligible patients sa Sta. Ana Hospital.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 135

Ika-21 ng Mayo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t limang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Lyceum of the Philippine University-Batangas pati ang Philippine College of Health Sciences para sa pagsasanay ng kanilang mga medical technology students sa Sta. Ana Hospital.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 134

Ika-16 ng Mayo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t apat na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Misamis University sa pagsasanay ng kanilang medical technology at Philippine College of Health Sciences para sa pagsasanay ng kanilang radiologic technology students sa Ospital ng Maynila Medical Center.

Read More »

REGULAR SESSION XII – 133

Ika-14 ng Mayo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t tatlong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay sa hapag ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Adamson University kasama ang Manuel L. Quezon Senior High School para sa isang work immersion partnership. Pagpasok naman sa kontrata sa pagitan ng New C.C Barcelona Construction Corporation and Ground Up Construction and Development Corporation para sa konstruksyon ng Sacramento Library at Multi-Purpose Building. Inakdahan nito ni Councilor Ernesto “Jong” Isip Jr.

Read More »

FILTER RESULTS