GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 137

Facebook
Twitter
Email
Ika-28 ng Mayo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t pitong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) para sa implementasyon ng programang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP)na maghahandog ng P3,000 para sa mga eligible patients sa Ospital ng Maynila. Implementasyon muli ng programang Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP)na maghahandog ng P2M para sa mga eligible patients sa Sta. Ana Hospital.
 
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Cooperatives, NGO’s, & PO’s, at Barangay Affairs.
 
Inaprubhana sa Ikalawang Pagbasa ang D.O No. 8666 na naga-amyenda ng loading and unloading areas ng GERZON TODA Inc. na inakdahan ng lahat ng konsehal sa Ika-apat na Distrito at pinangunahan ang pagpapahayag ni Councilor Joel “JTV” Villanueva. Naghatid din ng pagbati si Councilor Vilalnueva kay Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan at MTPD Dir. Zenaida Viaje sa matagumpay na launching ng Move Manila noong ika-26 ng Mayo, 2024 sa Roxas Blvd. Manila.
 
Inaprubahan ang annual barangay budget ng ilang mga barangay sa District 3, 5, at 6. Ang mga Punong Barangay ay dumalo sa nasabing barangay budget hearing at pormal na nagpakuha ng litrato sa ating mga magigiting na konsehal.
 
Hinihikayat ni Councilor Irma Alfonso-Juson sa pamamagitan ng resolusyon ang pagpapalakas ng kamalayan sa mga sakit na ukol sa ating thyroid at prostate. Kasunod nito, ang sakit na dengue naman ang binigyang pansin ni Councilor Ricardo “Boy” Isip Jr. upang iwasan at labanan ito sa nalalapit na tag-ulan. Hinihimok muli ni Councilor Carlos “Caloy” Castañeda ang lahat ng ahensya, paaralan, at mga barangay na itanghal ang pambansang watawat kaugnay sa National Flag Days hanggang ika-12 ng Hunyo, 2024. Iginunita rin ni Councilor Castañeda ang ika-53 na anibersaryo ng kamatayan ng dating pangulo na si Carlos P. Garcia.
 
Naghain ng mga serye ng resolusyon si Councilor Numero “Uno” Lim ukol sa pagbati kay Carlos Yulo sa pagkawagi ng gintong medalya sa Artistic Gymnastic Asian Championhsip na naganap sa bansang Uzbekistan. Pag-udyok sa Department of Energy sa pag-gamit ng bio-diesel sa ating bansa, at pagpapabantay ng Manila Police District sa tulong ng Food & Drug Authority kasama ang Manila Health Department para sa unsafe drug products, unlicensed medical practitioners at unapproved health facilites sa lungsod ng Maynila.
 
Pagbati kay Joaquin Domagoso sa pagkamit ng German Moreno Youth Achievement Award sa naganap na FAMAS Awards sa Manila Hotel. Pagbati rin sa Pamantasang Lungsod ng Maynila sa nakamit na 89.9% passing rate sa nakaraang Chemical Engineering Licensure Examination kung saan top 6 ang isa sa kanilang mag-aaral na si Christian Jaimie Rejano.
 
Kaugnay dito, nag-akda si Councilor Pamela “Fa” Fugoso-Pascual ng pagbati muli sa Pamantasang Lungsod ng Maynila partikular kay Anne Kianna San Juan na nakamit ang top 9 na may 90.8% score sa naganap na Licensure Examinations for Teachers in Elementary Level.
 
Naghatid naman ng pakikiramay sa naiwang pamilya ng tanyag na comic strip artist at direktor na si Carlo J. Caparas. Inakdahan nito ni Councilor Luciano “Lou” Veloso. Iginunita naman ang ika-125 na anibersaryo ng kapanganakan ni Juan Felipe Nakpil na siyang kauna-unahang National Artist sa larangan ng Philippine Architecture. Inakdahan nito ni Councilor Terrence Alibarbar.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 161
REGULAR SESSION XII – 160
REGULAR SESSION XII – 159
REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138