Ika-16 ng Mayo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t apat na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Misamis University sa pagsasanay ng kanilang medical technology at Philippine College of Health Sciences para sa pagsasanay ng kanilang radiologic technology students sa Ospital ng Maynila Medical Center.
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Cooperatives, NGO’s & PO’s at Barangay Affairs.
Inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa ang akreditasyon ng Barangay 704 Zone 77 District 5 Senior Citizens Council bilang People’s Organization sa Lungsod ng Maynila na inakdahan ni Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr. Inaprubahan ang annual barangay budget ng ilang mga barangay sa District 3 at 6. Ang mga Punong Barangay ay dumalo sa nasabing barangay budget hearing at pormal na nagpakuha ng litrato sa ating mga magigiting na konsehal.
Binigyang pagkilala at pagkagalak naman si Councilor Joel “JTV” Villanueva sa pamamagitan ng resolusyon ang mga shopping mall owners sa lungsod ng Maynila na pinapayagan o malayang papasukin ang ating mga alagang hayop. Hinikayat naman ni Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing ang mga paaralan na magkaroon ng safety measures sa kanilang mga estudyante ukol sa init ng panahon.
Bukod tanging pagkilala sa Universidad de Manila at Pamantasang Lungsod ng Maynila sa kanilang mga nursing students na nakapasa sa nakaraang Nursing Licensure Examinations. Inakdahan nito nila Councilor Pamela “Fa” Fugoso, Councilor Don Juan “DJ” Bagasting, at Councilor Numero “Uno” Lim. Idineklara sila San Nicolas de Tolentino at Nuestra Señora De La Soledad bilang mga patron saints ng San Nicolas, Manila. Inakdahan nito ng lahat ng konsehal sa Ikatlong Distrito na pinangunahan ang pagpapahayag ni Councilor Johanna Maureen “Apple” Nieto-Rodriguez.
Tinalakay ang serye ng mga draft ordinances ukol sa Scrap and Build Program ng Lungsod ng Maynila. Ang ilang mga bakanteng position sa Sta. Ana Hospital, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Manila City Library, at Parks Development Office ay isina-ayos at pinalitan para magkaroon ng essential position sa kanilang ahensya. Inakdahan nito ni Councilor Luis “Joey” Uy.
Panghuli, pinangunahan ang serye ng mga ordinansang inakdahan ni Councilor Louisito “Doc Louie” Chua. Una, pagu-utos sa Manila Department of Social Welfare ang child development worker na kailangang magpakita ang mga magulang o guardian ng child immunization card ng kanilang anak sa oras ng enrollment sa Day Care Center. Pangalawa, pag-institusyonalisasyon ng functional Disaster Risk Reduction and Management in Health System sa Lungsod ng Maynila. Pangatlo, pag-institusyonalisayon muli ng Key Assistance for Development to Adolescence o KADA sa Lungsod ng Maynila. Pang-apat, paglikha ng healthy open spaces sa komunidad para sa iba pang health and environent initiatives. Panglima, pagtatag ng Hospital Epidemiology and Disease Surveillance Unit sa lahat ng pampribado at pampublikong ospital sa Lungsod ng Maynila.