GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 132

Facebook
Twitter
Email
Ika-9 ng Mayo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t dalawang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan bilang Assistant Majority Floor Leader, inihain ni Councilor Joel “JTV” Villanueva ang ilang mga serye ng resolusyon kabilang ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Emilio Aguinaldo College para sa pagsasanay ng kanilang radiologic technology students sa Ospital ng Maynila at The South East Asian College, Inc. para sa pagsasanay ng kanilang nursing students sa Ospital ng Sampaloc.
 
Sa tulong ni Assistant Majority Floor Leader Councilor Joel “JTV” Villanueva, sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Children’s Affairs, Laws, Cooperatives, NGO’s & PO’s, at Transportation.
 
Inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa ang akreditasyon ng United Bustillos Tricycle Operators and Drivers Association Inc. at San Lorenzo Damka Tricycle Operators and Drivers Association Inc. bilang mga People’s Organization sa Lungsod ng Maynila na inakdahan ni Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr.
 
Inaprubahan ang annual barangay budget ng ilang mga barangay sa District 2, 3, at 4. 79 na mga Punong Barangay ang dumalo sa nasabing barangay budget hearing at pormal na nagpakuha ng litrato sa ating mga magigiting na konsehal.
 
Dumalo ang ilang mga panauhin kabilang sila POLCOL. Orlando Mirando Jr. ng Manila Police District dahil sa kaniyang pagkakahuli sa isa sa mga Most Wanted Person sa ating bansa, Roselyn Evardo ng Bb. Pilipinas na kinatawan ng ating lungsod, Cedric Jerome Donguines na Top 1 sa Civil Engineering Licensure Examination na nakakamit ng 94.3% rate, at Rejen Binigay Clarin bilang 2-year consistent undefeated champion sa SALIKANA-BAYAN’S Paligsaya Friendship Games-NCR sa larangan ng table tennis.
 
Binigyang pagbati at pagkilala ang noo’y Lingkod Bayan na dating konsehal, kinatawan, at bise alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Martin Isidro para sa kaniyang ika-95 na kaarawan. Inakdahan ng mga konsehal sa Ika-unang Distrito at pinangunahan ang pagpapahayag ni Councilor Niño Dela Cruz.
 
Binigyang pagbati rin ang Sta. Ana Hospital sa pagtanggap ng Provisional I Accreditation Status para sa kanilang residency training program sa internal medicine na iginawad ng Philippine College of Physicians ika-4 ng Mayo, 2024. Inakdahan nito ni Councilor Numero “Uno” Lim. Inakdahn din ni Councilor Lim ang pagkilala sa Lungsod ng Maynila sa natanggap na parangal na Gawad Edukampyon for Local Governance 2023 Awards bilang Gawad Edukampyon for Capacity Development – Highly Urbanized City category sa pangunguna ng Universidad de Manila.
 
Inakdahan ni Councilor Jaybee Hizon ang pagpasok at pagpirma ng employment contract ng 1,500 students SPES beneficiaries ng Lungsod ng Maynila. Pinangunahan din ni Councilor Hizon ang pagdeklara ng ilang bahagi ng Brgy. 679 Paco, Manila bilang calamity area para sa mga biktima ng sakuna dulot ng sunog noong ika-13 ng Abril, 2024. Panghuli, iginunita ang pagdiriwang ng International Day of Midwives na nagbibigay ng kahalagahan sa importansya at tungkulin ng bawat midwife sa buong mundo. Inakdahan nito ni Councilor Irma Alfonso-Juson.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135