GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 129

Facebook
Twitter
Email
Ika-30 ng Abril, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t siyam na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inihayag at inakdahan ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr. ang serye ng mga resolusyon kabilang ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Pamantasang Lungsod ng Maynila para sa pagsasanay ng kanilang medical clerks sa Manila Health Department, pagpasok ng kontrata sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at JEMCO Builders and Supply para sa konstruksyon ng perimeter fence ng Veterinary Inspection Board, Memorandum of Agreement naman sa pagitan ng Metro Manila Center for Health Development-Philippine Blood Center para sa kanilang operasyon sa Sta. Ana Hospital, kahilingan ambulansya ng Gat Andres Bonifacio Medical Center sa Department of Health Regional Director Dr. Rio Magpantay, Deed of Donation & Acceptance para sa donasyong mobile laboratory handog ng Bloomberry Cultural Foundation Inc. at Bloomberry Resorts and Hotel Inc. sa ilalim ng programa ni Unang Ginang Marie Louise “Liza” A. Marcos, pagpapatibay ng iba’t ibang kontrata ukol sa work/purchase orders at supply/service contracts na napapaloob noong buwan ng Oktubre hanggang Disyembre 2023 at Enero hanggang Marso 2024, pag-apruba ng Local Health Board Resolution No. 003 kaugnay sa Universal Healthcare Act, Memorandum of Agreement sa pagitan ng Zamboanga Del Norte National High School para sa kasunduang work immersion, at Internship Agreement naman sa 45 na benepisyaryo ng Government Interniship Program sa ating siyudad.
 
Sa tulong din ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Transportation, Cooperatives, NGO’s & PO’s, at Barangay Affairs.
 
Inaprubahan naman sa Ikalawang Pagbasa ang akreditasyon ng Barangay 764 Seniors Citizens Association at Barangay 766 Senior Citizens Association bilang People’s Organization sa Lungsod ng Maynila na inakdahan ni Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr. Pag-amyenda ng loading at unloading areas ng Juan Luna Chesa Rawis Tricycle Operators and Drivers Association na inakdahan ni Councilor Erick Ian “Banzai” Nieva.
 
Dumako ang talakayan ukol sa paghikayat sa Committee on Laws na imbestigahan ang lahat ng mga boundary disputes ng Lungsod ng Maynila na inakdahan ni Councilor Jaybee Hizon. Ayon kay Councilor Hizon, partikular sa Zobel Roxas St. na matatagpuan sa Ikalimang Distrito ay nagsasagawa ng clearing operations ang Lungsod ng Makati sa nasabing lugar kung saan dapat napapaloob ang hurisdiksyon nito sa Lungsod ng Maynila. Agad sinuportahan ng iba pang mga konsehal ang panukala ni Councilor Hizon na matuldukan ang usapin sa kung saan ang hangganan o boundary ng ating mga kapitbahay na lungsod.
 
Binigyang pagkilala naman si Manila City Library Dir. Mylene Villanueva sa pagkakawagi ng parangal sa nakaraang Gawad Pampublikong Aklatan 2024. Kaugnay dito, kinilala rin ang Manila City Library sa pamamagitan ng Plaque of Appreciation ang ating butihing alkalde Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan. Inakdahan ito ni Councilor Timothy Oliver Zarcal. Binati ang matagumpay na pagdaraos ng 2024 Philippine Association of State Universities and Colleges National Culture and Arts Festival na hinost ng Lungsod ng Maynila sa Philippine Normal University noong ika-23 ng Abril, 2024. Inakdahan nito ni Councilor Pamela “Fa” Fugoso-Pascual.
 
Humiling naman si Councilor Luciano “Lou” Veloso na direktibang higpitan ang seguridad sa buong lugar ng Manila City Hall. Ayon kay Councilor Veloso, bigyang diin at pansin ng City Security Force (CSF) at Special Mayors’ Reaction Team (SmART) ang lahat ng pumapasok paloob at palabas ng gusaling pampamahalaan. Inakdahan din ni Councilor Veloso ang exemption ng mayors’ permit fee, amusement tax, at incidental expenses sa lahat ng magsasagawa ng shooting ng pelikula para sa The Manila Film Festival.
 
Binigyang pagkilala si Christian Ian Perez sa kaniyang pagkakawagi sa European Darts Grand Prix noong ika-19 ng Abril, 2024 na naganap sa Sindelfingen, Germany. Inakdahan nito ni Councilor Niño Dela Cruz. Pag-gunita ng World Intellectual Property Day noong ika-26 ng Abril, 2024 na inakdahan ni Councilor Jaybee Hizon.
 
Pakikiramay ng lungsod ng Maynila sa dating senador at Lingkod Bayan na si Rene Augusto Verceluz Saguisag. Pagbati naman sa mga nanalo sa naganap na 2024 Redbull Half court PH National Finals na naganap sa Kartilya ng Katipunan Ermita, Manila. Inakdahan ang mga ito ni Councilor Joel “JTV” Villanueva.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135