GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 127

Facebook
Twitter
Email
Ika-23 ng Abril, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t pitong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inihayag ang serye ng mga resolusyon na inakdahan ni Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr. ukol sa Memorandum of Agreement sa pagita ng Lungsod ng Maynila at Department of Health-Metro Manila para sa implementasyon ng medical assistance sa mga indigent patients sa iba’t ibang ospital kasama ang Ospital ng Tondo, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, at Ospital ng Maynila.
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Barangay Affairs, Women & Gender Affairs, Laws, at Cooperatives, NGO’s & PO’s.
 
Inakdahan din ni Councilor Isip ang mga resolusyon na papasok ang Lungsod ng Maynila sa isang kontrata sa pagitan ng E.Aglahi Urban Builders para sa pagsasaayos ng Luwalhati ng Maynila Building sa Manila Boys Town Complex, Double 12 Construction and Supply para sa pagpapatayo ng Manila-San Francisco Friendship Library at Warehouse building, Contract of Affiliation sa Arellano University para sa pagsasanay ng kanilang medical technology students sa Sta. Ana Hospital, at sa Centro Escolar University naman para sa pagsasanay ng kanilang nursing students sa Ospital ng Maynila. Deed of Donation & Acceptance para sa Pamantasang Lungsod ng Maynila upang pormal na ihandog ang itinayong 3 storey building sa kanilang paaralan.
 
Pagbibigay ng renewal of special use permit ng Funeraria Lorenzo Inc. na matatagpuan sa Tondo, Manila na inakdahan ni Councilor Macario “Macky” Lacson. Pag-apruba ng akreditasyon ng Barangay 808 Senior Citizens Association at Barangay 820 Senior Citizens Association bilang mga People’s Organization sa lungsod ng Maynila na inakdahan ni Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr.
 
Tinalakay sa Ikatlong Pagbasa ang D.O. No. 8333 na naga-amyenda ng loading at unloading areas ng Cristobal Tricycle Operators and Drivers Association Inc. na inakdahan nila Councilor Jaybee Hizon at Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr.
 
Inaprubahan naman ang annual barangay budget for CY 2024 ng 51 na mga barangay sa iba’t ibang distrito sa Maynila. Binigyang bati ang dating konsehal at representante ng Ika-unang Distrito na si Hon. Ernesto “Banzai” Nieva sa kaniyang ika-80 na kaarawan nitong ika-22 ng Abril. Naghayag ng pagbati ang ilang mga konsehal at naghatid ng munting storya sa kanilang pinagsamahan. Inakdahan nito ni Councilor Niño Dela Cruz.
 
Iba’t ibang kampanya ang ipinagdidiwang ngayon na inakdahan sa pamamagitan ng resolusyon. World Immunization Week 2024 na inihayag ni Councilor Irma Alfonso-Juson, World Book & Copyright Day na inihayag ni Councilor Joel “JTV” Villanueva, at Earth Day 2024 na inihayag ni Councilor Timothy Oliver Zarcal. Kaugnay dito, hinihikayat ni Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing ang malawakang aksyon upang labanan ang mga plastic wastes sa ating lungsod.
 
Binigyang bati ang Department of Tourism, Culture and Arts Manila at Bekshies ng Maynila para sa matagumpay na Manila Summer Pride 2024. Inakdahan nito ni Councilor Ruben “Dr. J” Buenaventura. Pagbibigay bati muli sa Manila Police District Female SWAT Team dahil sa kanilang nakamit bilang mga kampeon sa naganap na SWATFIT Tactical Competition Games noong ika-14 ng Abril, 2024. Inakdahan nito ni Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135