GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 126

Facebook
Twitter
Email
Ika-18 ng Abril, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t anim na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay ang Memorandum of Understanding sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at De La Salle University para sa establisyamento ng Manila-SDG Project, Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at The University of the East para sa pagsasanay ng kanilang tourism management students, Pagpasok ng kontrata sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at MRJR Construction and Trading para sa pagpapa-ayos ng Kamada Building sa Manila Boys Town Complex, Memorandum of Understanding muli sa pagitan ng iba’t ibang ahensya at organisasyon para sa planong restoration ng Manila Post Office. Ang lahat ng mga resolusyong ito ay inakdahan ni Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr.
 
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Engineering & Public Works, Tourism, Arts & Culture, Labor, Employment & Human Resources, Cooperatives, NGO’s, PO’s, Transportation, Appropriations, at Education.
 
Hinihikayat ang Manila Department of Social Welfare at Local Civil Registrar na mabusisi ang isyu ukol sa mga foreign nationals na nagkakaroon ng ilegal na dokumento tulad ng birth certificates at PWD IDs, Refund ng Value Added Tax o VAT sa mga large taxpayers na base sa Lungsod ng Maynila, Pagbigay ng pagkilala kay LTCOL. Orlando Mirando Jr. ng Manila Police District dahil sa kaniyang pagkakahuli sa isa sa mga Most Wanted Person sa ating bansa, at Pag-iingat sa mga online middleman na nagsasagawa ng panloloko o online scam transactions. Ang lahat ng mga resolusyong ito ay inakdahan ni Councilor Numero “Uno” Lim.
 
Idineklara bilang calamity area ang Brgy. 20 Tondo, Manila dahil sa sakuna dulot ng sunog na inakdahan ng lahat ng konsehal sa Ika-unang Distrito at pinangunahan ng pagbasa ni Councilor Erick Ian “Banzai” Nieva. Pagsuporta sa International Day for Children in Street Situations kung saan nagsagawa ng programa ang Manila Department of Social Welfare sa Arroceros Park na inakdahan ni Councilor Roma Paula Robles-Daluz.
 
Pagbati sa Philippine College of Criminology (PCCR) sa kanilang ika-70 na anibersaryo ng kanilang pagkakatatag at pagdiwang ng World Heritage Day ngayong araw kung saan binigyang importansya ang mga heritage sites sa buong mundo kabilang ang San Agustin Church na matatagpuan sa Intramuros, Manila. Inakdahan ang mga resolusyong ito ni Councilor Johanna Maureen “Apple” Nieto-Rodriguez.
 
Inaprubahan naman ang akreditasyon ng Barangay 744 Senior Citizens Association bilang People’s Organization sa Lungsod ng Maynila na inakdahan ni Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr. Hinihikayat ni Councilor Ruben “Dr. J” Buenaventura ang lahat ng LGBTQIA+ organizations at advocates na lumahok sa magaganap na Summer Pride sa darating na ika-20 ng Abril, 2024. Ang mga food stores/stalls na matatagpuan sa Kartilya ng Katipunan ay exempted sa anumang bayarin kasabay sa pagsasagawa ng Manila Summer Pride.
Binigyang puri ang matagumpay na inagurasyon ng bagong tayong Dr. Alejandro Elementary School sa Sampaloc, Manila na inakdahan ng lahat ng konsehal sa Ika-apat na Distrito at pinangunahan ang pagbasa nila Councilor Louisa Marie “Lady” Quintos-Tan at Councilor Science Reyes.
 
Binati sa pamamagitan ng resolusyon ang organizing committee at executives ng The Manila Film Festival sa pagpili ng mga grantees. Ipapalabas ang kanilang mga short film sa nasabing festival kasabay ng pagdiriwang sa month long celebration ng Araw ng Maynila sa buwan ng Hunyo na inakdahan nila Councilor Arlene Maile Atienza at Councilor Luciano “Lou” Veloso. Kaugnay dito, pinapayagan ang exemption sa iba’t ibang fees ang Keep Filming Media Production Inc. para sa kanilang pagsasagawa o shoot ng mga short films na nakalugar sa Manila City Hall at Jones Bridge.
 
Inakdahan din ni Councilor Atienza ang resolusyon ukol sa donasyong ibibigay sa Psoariasis Philippines kung saan P1 sa bawat movie ticket na mabebenta ang ihahandog ng Lungsod ng Maynila. Inaanyayahan naman ni Councilor Niño Dela Cruz na suportahan ang mga local cuisine tampok sa Flavors of NCR na gaganapin sa Lungsod ng Muntinlupa.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135