GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 125

Facebook
Twitter
Email
Ika-16 ng Abril, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t limang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay sa Unang Pagbasa ang serye ng mga resolusyon inihain ni Councilor Numero “Uno” Lim ukol sa isyu ng mga unauthorized o “colorum” na mga ambulansya, pagpuri sa Department of Public Services-Manila at Parks Development Office sa rekognisyon at pagkilala ng Department of Environment and Natural Resources o DENR, at pagpuri sa Philippine Health Insurance Corporation para sa pagtaas ng Z-Benefit package para sa mga Breast Cancer patients.
 
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Laws, Transportation, Civil Service, Appointments & Reorganization, Housing, Land, Urban Planning Development & Resettlement, Environmental Protection, Ecological Preservation & Sanitation, Cooperatives, NGO’s & PO’s, Health, Appropriations, at Barangay Affairs.
 
Inihain din ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr. ang serye ng resolusyon ukol sa Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at San Lazaro Hospital para sa pagsasanay ng Department of Family and Community Medicine residents sa Manila Health Department, Contract of Affiliation muli sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Philippine Women’s University para sa pagsasanay ng kanilang nursing students sa Manila Health Department, Kontrata sa bagong C.C Barcelona Construction Corporation para sa konstruksyon ng Sewerage Treatment Plant at Tondominium 1 & 2, at panghuli, pagsagawa ng sworn certificate/affidavit para pangakuang pondohan ang management, operation, at maintenance ng health facility sa Sta. Ana Hospital. Inakdahan din ni Councilor Isip ang PAGCOR trust fund na nagkakahalaga ng P10M na gagamitin para sa mga biktima ng sunog sa Lungsod ng Maynila.
 
Inaprubahan ang akreditasyon ng United Neighborhood Association of 766 Inc. bilang People’s Organization sa Lungsod ng Maynila na inakdahan ni Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr. Idineklara naman bilang calamity area ang ilang bahagi ng Brgy. 275 Parola Compound, Manila dahil sa naganap na sakuna dulot ng sunog na inakdahan ng mga konsehal sa Ikatlong Distrito at pinangunahan ang pagbasa ni Councilor Pamela “Fa” Fugoso-Pascual.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135