GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 124

Facebook
Twitter
Email
Ika-11 ng Abril, 2024 naganap ang ika-isang daan at dalawampu’t apat na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay sa Unang Pagbasa ang mga draft resolutions na inihain ni Councilor Numero “Uno” Lim ukol sa pagpapaalala sa publiko sa mga pekeng social media pages ng mga Local Government Officials sa lungsod ng Maynila at pagsubaybay sa regulasyon ng mga tindahang nagbebenta ng police uniforms at insignia.
 
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Housing, Land, Urban Planning Development & Resettlement, Environmental Protection, Ecological Preservation & Sanitation, Laws, Cooperatives, NGO’s & PO’s, Health, at Barangay Affairs.
 
Dumako ang sesyon sa Ikalawang Pagbasa kung saan tinalakay ang loading at unloading areas ng Cristobal Tricycle Operators and Drivers Association Inc. na inakdahan ni Councilor Jaybee Hizon. Kasunod nito, inaprubahan ang akreditasyon ng Buklod at Alyansa ng mga Nagkakaisang Anak ng Tondo Inc. bilang Non-Government Organization sa Lungsod ng Maynila na inakdahan ni Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr. at Councilor Erick Ian “Banzai” Nieva.
 
Idineklara sa ilang bahagi ng Brgy. 753 San Andres, Manila at Brgy. 335 Sta. Cruz, Manila bilang Calamity Area dahil sa naganap na sunog sa kanilang nasasakupan. Inakdahan nito nila Councilor Jaybee Hizon at Councilor Arlene Maile Atienza. Tinalakay din ang pagbukas ng special activity funds para sa pagpapaayos ng drainage system sa Sampaloc, Manila at pagsasagawa ng comfort room sa Session Hall na inakdahan ni Councilor Salvador Philip Lacuna.
 
Sa pamamagitan ng resolusyong inihain ni Councilor Louisito “Doc Louie” Chua, pinapalakas nito ang kamalayan sa sakit ng Hemophilia kasabay ng kampanyang National Hemophilia Awareness Month ngayong buwan ng Abril. Ang sakit na Hemophilia ay isang pambihirang sakit na namamana at nagdudulot ng labis na pagdurugo tuwing nasusugatan.
 
Pinuri ni Councilor Arlene Maile Atienza ang Department of Tourism sa paglunsad nito ng “Philippine Eatperience” na pormal na nagbukas sa Intramuros at Rizal Park, Manila. Tampok ang iba’t ibang pagkaing pilipino na nagsusulong sa ating mayaman na kultura sa larangan ng pagluluto. Pinapaalalahanan naman ni Councilor Timothy Oliver “Tol” Zarcal ang mga Manilenyo na magtipid sa tubig kaugnay sa nararanasan ng ating bansa na El Niño.
 
Renewed Contract of Lease sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Boy Scouts of the Philippines para sa Ala-ala Scouts Memorial na matatagpuan sa Manila North Cemetery na inakdahan ni Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr. Ngayong buwan ng Abril din pinapalakas ang kamalayan sa sakit na Cancer sa mga bata at Autism. Inihayag nila Councilor Johanna Maureen “Apple” Nieto-Rodriguez at Councilor Benny Fog Abante III na bigyang pansin at suporta ito upang maging responsable na ipa-check up ang ating mga anak.
 
Panghuli, malugod na inihain ni Councilor Salvador Philip Lacuna ang resolusyong nagdidiwang ng National Pets Day ngayong ika-11 ng Abril. Ayon kay Lacuna, “Sila ay itinatangi ng mga miyembro ng ating pamilya. Nagbibigay sila sa ating ng walang pasubali na pagmamahal, pagsasama at walang katapusang sandali ng kaligayahan.” Naghayag ang ilang mga konsehal ng suporta at kahalagahan ng resolusyong ito para sa mga alagang hayop.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135