Ika-7 ng Marso, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikalabing walong sesyon sa gusaling pampamahalaan.
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Environmental Protection, Ecological Preservation & Sanitation, Laws, Health, Transportation, Cooperatives, NGO’s & PO’s, at Barangay Affairs.
Tinalakay ang serye ng mga Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at iba’t ibang paaralan kabilang ang Polytechnic University of the Philippines, Tondo High School, Manuel A. Roxas High School, at Sienna College para sa programang Work Immersion at On-the-job training students na magsasanay sa mga ahensya o opisina ng Pamahalaang Lokal.
Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at J&F Food Corporation para makapagbigay ng employment oppurtunites sa mga senior citizen at person with disabilites sa ating siyudad. Panghuli, Memorandum of Agreement muli sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa social pensions ng mga indigent senior citizens.