GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION X11 – 110

Facebook
Twitter
Email
Ika-8 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ika-sampung sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at University of Santo Tomas (UST) para sa pagsasanay ng kanilang nursing students sa Justice Jose Abad Santos General Hospital. Gayundin ang Centro Escolar University (CEU) para sa pagsasanay ng kanilang medical technology students sa Ospital ng Maynila Medical Center.
 
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Ways & Means at Barangay Affairs.
 
Binigyang pagkilala ang mga Punong Barangay ng Ika-una at Ikatlong Distrito na nakapagtapos ng kanilang mga termino at naglingkod ng 11 na taon sa kanilang nasasakupan. Sa pamamagitan ng resolusyong inihain ni Councilor Leilani Marie Lacuna, kinikilala ang kanilang dedikasyon sa pamumuno at pag-aalay ng serbisyo publiko. Naghayag naman ng pagbati ang mga konsehal na siyang nag-abot ng kani-kanilang pasasalamat.
 
Inihain sa hapag ang mga draft resolutions na inakdahan ni Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr. Una, ipinagtibay ang mga kontrata sa iba’t ibang private entities na naghahandog ng serbisyo sa ating lungsod. Mula buwan ng Hulyo hanggang Disyembre 2022 at buwan ng Enero hanggang Disyembre 2023.
 
Pangalawa, Memorandum of Agreement naman sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at sa iba’t ibang paaralan kabilang ang Rajah Soliman Science & Technology High School, Holy Heart Christian Academy, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Universidad de Manila, at Doña Teodora Alonzo High School para sa isang Work Immersion Partnership na mag-uunlak na kanilang on-the-job training students.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135