GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 139

Facebook
Twitter
Email
ka-4 ng Hunyo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t siyam na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa ang loading and unloading area ng Rosarito, Palawan, Domingo, Santiago Tricycle Operators and Drivers Association (ROPADO TODA) na inakdahan ni Councilor Joel “JTV” Villanueva. Inihayag din ni Councilor Villanueva ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Salian Foundation Inc. para sa isang work immersion partnership. Sinundan nito ang serye ng mga resolusyon na nagpapatibay ng kontrata sa mga sumusunod: Double 12 Construction & Supply para sa pagpapatayo ng Manila San Francisco Friendship Library at warehouse building.; MRJR Construction & Trading para sa pagsasa-ayos ng Kamada building at E.Aglahi Urban Buidlers para sa pagsasa-ayos ng Luwalhati building ng Manila Boystown Complex; New CC Barcelona Construction Corporation para sa pagsasa-ayos ng sewerage treatment plant ng Tondominium 1 at 2; at JEMCO Builders & Supply para sa pagsasagawa ng perimeter fence ng Veterinary Inspection Board.
 
Sa tulong ni Assistant Majority Floor Leader Councilor Joel “JTV” Villanueva, sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Engineering & Public Works, Ways & Means, Environmental Protection, Ecological Preservation & Sanitation . Animal Welfare, Barangay Affairs.
 
Ipinagpatuloy ni Councilor Villanueva pagpapahayag ng mga resolusyon na nagpapasara ng COVID19 account at pagbati kay Staff Sergeant Oliver Alfonso ng Police Station 11 sa Binondo, Manila na pinapakain ang mga ligaw na aso. Hinikayat ni Councilor Irma Alfonso-Juson ang mga ahensya sa lungsod ng Maynila na maki-isa sa World Blood Donor Day ika-14 ng Hunyo, 2024. Inihayag ng mga konsehal ng Ikalimang Distrito ang isang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Sinag Maynila Foundation Inc. para sa gaganaping Sinag Maynila Film Festival sa buwan ng Setyembre. Pinangunahan ni Councilor Charry Ortega ang resolusyon.
 
Dumalo at nanuod ng sesyon ang Local Government Unit ng Pili Camarines Sur na pinangunahan ni Municipal Councilor Rolando Lozano para sa kanilang benchmarking ng kanilang pamahalaang lokal. Welcome po kayo sa Maynila! Binigyang bati naman ang Alas Philippine Volleyball Team sa kanilang pagkakawagi ng bronze medal sa naganap na Asian Volleyball Confederation Cup 2024 na naganap sa Rizal Memorial Coliseum.
 
Iminumungkahi sa pamamagitan ng resolusyon na pahabain ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan. Magsisimula ito ng ika-6 hanggang ika-12 ng Hunyo kada taon at tatawagin “Linggo ng Kalayaan” o “Independence Week”. Inakdahan nito ni Councilor Carlos “Caloy” Castañeda at naghayag ng suporta ang buong konseho na nagpapakita ng kanilang nasyonalismo at pagmamahal sa ating bansa. Binigyang iksemsyon naman sa amusement tax at mayor’s permit ang Robinsons Manila para sa pagpapalabas ng official entries ng The Manila Film Festival ika-5 hanggang ika-11 ng Hunyo 2024. Inakdahan ang ordinansang ito ni Councilor Luciano “Lou” Veloso. Binigyang bati naman si Mark Davidson Veloso na nagwagi ng ginton medalya sa NCR Palaro 2024. Inakdahan nito ni Councilor Niño Dela Cruz.
 
Hinihimok naman ni Councilor Dela Cruz ang lahat ng Manilenyo sa iba’t ibang serye ng aktibidad ngayong buwan ng Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Maynila. Naghandog si Councilor Salvador Philip Lacuna ng deskirpsyon sa mga magaganap. Sa ilalim ng temang Sama Saya sa Maynila, inihayag ni Councilor Lacuna ang mga programang, Lasa Maynila, Talentadong Manilenyo, Musiko Maynila, Tunog Maynila, at ang tuluy-tuloy na Move Manila sa Roxas Blvd. Muli, ito ay kaisa sa selebrasyon ng ika-453 na pagkakatatag ng ating mahal na Lungsod ng Maynila.
 
Hinihikayat ni Councilor Science Reyes ang paggunita ng We Advocate Time Consciousness and Honesty (WATCH) sa lahat ng ahensya ng gobyerno at pang edukasyon sa kanilang mga kawani na patuloy gamapanan ang tungkulin sa paglilingkod. Inihayag ang pagdiriwang ng Pride Month ngayong buwan ng Hunyo. Inakdahan nito ni Councilor Ruben “Dr. J” Buenaventura na naglalayon bigyang kahalagahan ang diversity, inclusivity, at love ng lahat ng kasarian sa ating lungsod. Iginunita ang ika-93 na kaarawan ni Jose T. Joya na kilala bilang National Artist sa larangan ng visual arts. Pag-adapt naman sa Resolution No. 2 series of 2024 ng Manila Peace & Order Council na nag-amyenda ng mga proyekto at programa ng kanilang ahensya.
 
Pag-apruba ng akreditasyon ng Homeowners and Land Tenants of Sampaloc Inc. bilang People’s Organization sa Lungsod ng Maynila. Inakdahan nito ni Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr. Panghuli, Idineklara bilang calamity area ang ilang bahagi ng Brgy. 125 at 142 Tondo, Manila dahil sa sakuna dulot ng sunog sa kanilang lugar. Ayon kay Councilor Irma Alfonso-Juson, 65 na pamilyang Manilenyo ang malubhang naapektuhan nito at humiling sa konseho na maaprubahan ito. Inakdahan nito ng lahat ng mga konsehal ng Ika-unang Distrito.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135