GET THE LATEST ON THE COVID-19 VACCINE​

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

MClogo2 (1)
Untitled design

News & Events

REGULAR SESSION XII – 131

Facebook
Twitter
Email
Ika-7 ng Mayo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t isang sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inakdahan ni Councilor Numero “Uno” Lim ang iba’t ibang serye ng mga resolusyon ukol sa pagpapalakas ng kamalayan laban sa hindi wastong resulta sa paggamit ng smartwatches para sa blood glucose monitoring, implementasyon ng P500 monthly discount sa mga senior citizens para sa kanilang bilihin kada buwan, pagkalugod sa PAG-IBIG fund para sa accessible housing loan ng middle class citizens, pagsuporta sa House Bill No. 1785 para sa libreng annual medical checkup act para sa lahat ng Pilipino, at pagsuporta sa kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Maynila na si Cong. Atty. Joel Chua para sa kaniyang pagtutol sa Mandatory Tattoo Removal Policy ng mga kapulisan sa ating bansa.
 
Sa tulong ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr., sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Barangay Affairs, Consumers Affairs & Price Control, at Health.
Inakdahan din ni Majority Floor Leader Councilor Ernesto “Jong” Isip, Jr. ang serye ng mga draft resolutions ukol sa Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Unciano College Inc. para sa pagsasanay ng kanilang physical therapy students at Universidad de Manila para sa pagsasanay ng kanilang nursing students sa Sta. Ana Hospital. Memorandum of Agreement naman sa pagitan ng Centro Escolar University-Makati para sa on-the-job-training ng kanilang mga medical technology students sa Ospital ng Maynila. Panghuli, Pag-apruba sa Zoning Board Resolutions No. 9, 10, at 12 ng Manila Board of Zoning Appeals.
 
Inaprubahan ang akreditasyon ng Barangay 689 Senior Citizens Association at Geronimo G. Tuazon Tricycle Operators and Drivers Association bilang mga People’s Organization sa Lungsod ng Maynila na inakdahan nila Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr. at Councilor Don Juan “DJ” Bagatsing. Memorandum of Agreement muli sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at We Create Worldwide Inc. para sa mga advertisement trucks na iikot sa ating siyudad na magpapalawak ng public service announcements at information dissemination katuwang ang Manila Public Information Office. Inakdahan nito ni Councilor Timothy Oliver “Tol” Zarcal.
 
Inaprubahan ang annual barangay budget ng ilang mga barangay sa District 1, 2, at 4. 64 na mga Punong Barangay ang dumalo sa nasabing barangay budget hearing at pormal na nagpakuha ng litrato sa ating mga magigiting na konsehal. Panghuli, nagpapa-abot ng taos pusong pagbati ang buong Konseho ng Maynila sa pamamagitan ng resolusyon ng isang Maligayang Kaarawan sa ating minamahal na Punong Alkalde ng Lungsod ng Maynila na si Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan.
 

Photos courtesy of the Office of the Vice Mayor

More Like This

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

News & Events

More from the Session

REGULAR SESSION XII – 140
REGULAR SESSION XII – 139
REGULAR SESSION XII – 138
REGULAR SESSION XII – 137
Ghio Ong | The Philippine Star
REGULAR SESSION XII – 135