Ika-1 ng Pebrero, 2024 naganap ang ika-isang daan at ikawalong sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan tinalakay ang Contract of Affiliation sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Universidad de Manila gayundin sa PHINMA St. Jude College para sa pagsasanay ng kanilang mga nursing students sa Manila Health Department.
Sa tulong ni Acting Majority Floor Leader Councilor Joel “JTV” Villanueva, sinumite sa itinakdang komite para sa Unang Pagbasa ang iba’t ibang mga ordinansa’t resolusyon ukol sa mga paksa na napapaloob sa Transportation at Barangay Affairs.
Inaprubahan sa Ikatlo at Panghuling Pagbasa ang D.O. No. 8561 na naga-amyenda ng loading and unloading areas ng Rodriguez Hidalgo Arlegui Bautista Tricycle Operators and Drivers Association (HABTODA) Inc. Naghayag ng manifestation sila Councilor Terrence Alibarbar, Councilor Timothy Oliver “Tol” Zarcal, at Councilor Ricardo “Boy” Isip, Jr.
Inaprubahan din ang annual barangay budget ng Barangay 267 Zone 24 Tondo, Manila. Inihain sa hapag ang mga draft resolutions na inakdahan ni Councilor Numero “Uno” Lim. Una, resolusyong direktibang inilalaan sa mga pangunahing komite upang magkaroon ng aid of legislation para sa isyu ukol sa child abuse na biktima ng mga online predators at exploitation ng mga bata sa Lungsod ng Maynila. Pangalawa, resolusyong nagdidiwang sa pagkakatalaga ng Simbahan ng Quiapo bilang National Shrine na iginawad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa kanilang ika-126 Plennary Assemby. Pangatlo, resolusyong sumusuporta sa inisyatiba ng Pamahalaang Nasyunal ukol sa pag-exempt ng Value Added Tax o VAT sa 21 na mga mahahalagang gamot para sa cancer, diabetes, hypertension, kidney disease, mental illness, at tuberculosis.