REGULAR SESSION XII – 139
Ika-4 ng Hunyo, 2024 naganap ang ika-isang daan at tatlumpu’t siyam na sesyon sa gusaling pampamahalaan kung saan inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa ang loading and unloading area ng Rosarito, Palawan, Domingo, Santiago Tricycle Operators and Drivers Association (ROPADO TODA) na inakdahan ni Councilor Joel “JTV” Villanueva. Inihayag din ni Councilor Villanueva ang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Lungsod ng Maynila at Salian Foundation Inc. para sa isang work immersion partnership. Sinundan nito ang serye ng mga resolusyon na nagpapatibay ng kontrata sa mga sumusunod: Double 12 Construction & Supply para sa pagpapatayo ng Manila San Francisco Friendship Library at warehouse building.; MRJR Construction & Trading para sa pagsasa-ayos ng Kamada building at E.Aglahi Urban Buidlers para sa pagsasa-ayos ng Luwalhati building ng Manila Boystown Complex; New CC Barcelona Construction Corporation para sa pagsasa-ayos ng sewerage treatment plant ng Tondominium 1 at 2; at JEMCO Builders & Supply para sa pagsasagawa ng perimeter fence ng Veterinary Inspection Board.